^

Metro

Apo hinostage ng lolo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 55-anyos na lolo nang i-hostage nito ang kanyang 7-anyos na apo matapos itong sumpungin ng diprensya sa pag-iisip, kamakalawa sa Navotas City.

Sa naantalang report kahapon ng Navotas City Police, nakakulong nga­yon ang suspek na si Alejandro De Antonio, ng Tabing Dagat, Barangay San Jose ng naturang lungsod habang nasa ligtas nang kala­gayan ang biktima. Sa ulat ng pulisya­, alas-4:00 ng hapon nang i-hostage ng suspek ang apo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay na naging dahilan upang itawag ito sa mga pulis.

Maging si Navotas Mayor John Rey Tiangco ay nagpunta sa nasabing lugar kung saan hiniling ng suspek na maka­usap ang anak na si Jenny na pinagbigyan naman. Habang­ kausap ng suspek ang ina ng bata ay nagawa ng ilang
pulis na makaakyat sa ikalawang palapag at madamba ang una at makuha ang hawak na patalim habang nailagay sa ligtas na lugar ang apo. Nabatid na naging pasyente ng National for Mental Health ang suspek at posibleng tinopak ito kaya nagawa nitong i-hostage ang apo.

vuukle comment

ALEJANDRO DE ANTONIO

ARESTADO

BARANGAY SAN JOSE

HABANG

MENTAL HEALTH

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

NAVOTAS MAYOR JOHN REY TIANGCO

TABING DAGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with