^

Metro

Nalugi sa negosyo, nagbigti

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagkalugi umano sa ne­gos­yo na naging dahilan ng de­pression upang magpatiwakal ang  isang mister  kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Lawit ang dila nang matagpuan si Gabriel Hable, 51 nang madatnan ng kanyang asawang­ si Rosalia, 62 sa loob ng kani­lang tirahan sa Block 12 Lot 16 Manalili St., Park 3, Brgy. Central Bicutan ng naturang lungsod alas-6:30 ng gabi.

Base sa pahayag ni Ro­salia kina PO1 Razel Gaspar at PO2 Roger Aquilesca ng homicide section ng Taguig City Police, sinabi ng ginang na umalis siya ng bahay ka­sama ang anak alas-8:00 ng umaga at iniwan ang asawa na nag-iisa sa ka­nilang bahay at  sa kanilang pag-uwi ay nagtaka siya kung bakit madilim at patay ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay.

Nang buksan ng mag-ina ang ilaw, nagulat na lamang sila nang makita ang nakabitin na bangkay ng biktima. Ayon sa pulisya, may mga bakas din ng dugo sa tabi ng bangkay na palatandaan na naglaslas muna ng pulso si Gabriel bago nagbigti.

Wala ring nagalaw o na­walang mga kagamitan sa loob ng bahay kaya’t kunbinsido ang pulisya na nagpakamatay at hindi biktima ng karahasan ang nasawi na ayon sa kanyang may-bahay ay labis nalungkot nang malugi ang itinayo nitong negosyo.

vuukle comment

AYON

CENTRAL BICUTAN

GABRIEL HABLE

MANALILI ST.

RAZEL GASPAR

ROGER AQUILESCA

SHY

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with