^

Metro

Kelot binistay ng bala, dedo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang binata makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong kalalakihan sa harap ng isang tindahan ng spare parts sa may lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Si Aristopher Domingo, 24, ay agad na nasawi sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan, ayon kay SPO1 Eric Lazo.

Nangyari ang insidente sa  harap ng RRY motor­cycle part store na mata­tagpuan sa Adaria St., Brgy. Commonwealth, ganap na alas-4:50 ng hapon.

Ayon kay Analee Li­pana, may-ari ng tindahan, busy siya sa pag-aasikaso sa kanilang mga kostumer nang makarinig siya ng mga putok ng baril mula sa labas.

Nang kanyang tignan ay saka bumulaga sa kanyang harapan ang duguang katawan ng biktima habang nakahandusay dito.

Agad na ipinagbigay alam ng mga residente ang insidente sa barangay na siya namang tumawag ng awtoridad para sa imbes­tigasyon.

Ayon sa mga residente, posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang ugat ng pamamaril sa biktima, bagay na iniimbestigahan ngayon ng awtoridad.

Nagtamo naman ang biktima nang mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

vuukle comment

ADARIA ST.

ANALEE LI

AYON

BRGY

ERIC LAZO

NAGTAMO

NANG

SI ARISTOPHER DOMINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with