^

Metro

Pekeng enforcer huli sa kotong

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado sa ikalawang pagkakataon ang isang pekeng traffic enforcer dahil sa patuloy na pangongotong sa mga motorista lalo na sa mga dayuhang motorista, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Si Virgilio Abenoja, 33, dating tauhan ng Pasay City Traffic­ Management and Parking Office ay nadakip matapos  isagawa ang isang operasyon ng mga tauhan ng Intelligence Division ng Pasay Police dahil sa natatangap na ulat ng pa­ngo­ngotong nito na nagpapakilalang traffic enforcer sa lungsod.

Dakong alas-8 ng gabi nang matiklo si Abenoja habang nakaistambay sa Malibay St. Nakasuot pa si Abenoja ng ber­deng jacket ng mga traffic enforcer habang nakuha sa poses­yon nito ang isang Traffic Management Code booklet na gamit nito sa panghuhuli, tatlong driver’s license na maaaring biktima ng suspect, isang relos at isang cellular phone.

Nabatid na matagal nang nasibak sa tungkulin si Abenoja dahil sa patung-patong na kaso ng pangongotong. Una na ring nadakip ito noong Oktubre 2012 dahil sa pangongotong sa isang motorista sa tapat ng Ninoy Aquino International Airport Terminal III ngunit nakalaya rin makaraang makapagpiyansa.

Kakasuhan ng usurpation of authority ang suspect na napag-alamang kinatatakutan din pala ng mga enforcer sa lugar dahil kadalasang armado ang suspect ng hindi lisensyadong baril.

vuukle comment

ABENOJA

INTELLIGENCE DIVISION

MALIBAY ST. NAKASUOT

MANAGEMENT AND PARKING OFFICE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT TERMINAL

PASAY CITY

PASAY CITY TRAFFIC

PASAY POLICE

SI VIRGILIO ABENOJA

TRAFFIC MANAGEMENT CODE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with