^

Metro

Tsinoy itinumba sa Malabon

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Droga ang isa sa mga anggulong sinisiyasat ngayon ng pulisya makaraang isang 47-anyos na Tsinoy ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakilalang mga suspek kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Dead on the spot ang biktimang  si Charm “Carlito” So, ng Sanchez Extension, Brgy. Tinajeros ng naturang lungsod sanhi ng tinamong  ilang tama ng bala ng baril sa ulo at dibdib buhat sa kalibre .45 baril.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni P01 Benjamin Sy Jr.,  ng Station Investigation Branch (SIB), Malabon City Police, naganap ang insidente alas-4:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Sanchez St., Brgy. Tinajeros sa siyudad.

Nabatid, na nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang makarinig ng mga palakpak na naging dahilan upang lumabas ito. Makalipas ang ilang sandali ay bigla na lamang nakarinig ng sunud-sunod na mga putok ng baril sa labas ng kanilang bahay na nang labasin ng kanyang ama ay doon nakita ang anak na  nakasubsob ang mukha sa semento at wala ng buhay.

Matapos ang pamamaril  ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek kung saan narekober ng mga pulis  ang  ilang  basyo  ng  kalibre .45.

Base sa rekord ng pulisya, nabatid na noong Agosto 3, 2010 ay nakulong ang biktima dahil sa pagkakasangkot nito sa ipinagbabawal na gamot.

Aminado ang pamilya ng biktima na gumagamit ito ng ipinagbabawal  na gamot at  dalawang beses na aniya itong naipasok sa rehabilitation center.

vuukle comment

AGOSTO

BENJAMIN SY JR.

BRGY

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

SANCHEZ EXTENSION

SANCHEZ ST.

STATION INVESTIGATION BRANCH

TINAJEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with