^

Metro

Home depot sa Taguig, nasunog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa P10 milyong halaga ng ari-arian at paninda ang natupok sa sumiklab na sunog sa isang home depot sa Taguig City kahapon ng madaling araw. Sa ulat ng Taguig Fire Department, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa loob ng MC Home Depot sa may 32nd Street, The Fort-Bonifacio Global City, sa naturang lungsod.

Umabot ang alarma ng sunog sa task force Alpha  dahil sa mabilis na pagkalat dulot na rin ng mga kemikal na nakaimbak sa loob ng naturang home depot. Dakong alas-3:55 ng madaling-araw nang ideklara ng mga bumbero na fire under control ang sunog at nasa alas-4:30 na ng madaling-araw nang ganap na itong maapula.

Hindi naman agad matukoy ang sanhi ng sunog. Ngunit ayon sa mga guwardiya, ilang beses na nagpatay-sindi muna ang kur­yente sa lugar bago sumiklab ang apoy sa loob ng depot. Wala namang naitalang nasaktan sa insidente at hindi naman nada­may ang mga kalapit na establisimento.

 

vuukle comment

AABOT

DAKONG

FORT-BONIFACIO GLOBAL CITY

HOME DEPOT

NGUNIT

TAGUIG CITY

TAGUIG FIRE DEPARTMENT

UMABOT

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with