^

Metro

Tumakas sa checkpoint, 2 timbog sa granada

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang ina­resto ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group sa Pasay City makaraang mahulihan ng granada matapos na tangkaing tumakas sa nakalatag na checkpoint habang lulan ng isang kotse, kamakalawa ng hapon.

Patuloy ngayong isinasailalim sa pagtatanong ang dalawang nadakip na suspect na inisyal na kinilala na sina Reynan Lucas at Patricia Avilla.

Nabatid na pasado alas-5 ng hapon nang parahin ng mga pulis sa isang checkpoint sa kanto ng Arnaiz Ave. at Zamora St. ang itim na Honda City na kinalululanan nina Lucas at Avilla dahil sa kahina-hinalang plaka.

Sa halip na huminto, ti­nangkang takasan umano ng dalawa ang checkpoint sanhi upang magkaroon ng habulan. Makaraan ang 20 minuto, nakorner ang dalawa kung saan napilitang sumuko ang mga ito.

Nang inspeksyunin ang loob ng kotse (XMY-385), natuklasan sa loob nito ang isang hand grenade.

Bineberepika naman nga­yon ng pulisya kung kabilang sa mga “hot car” ang naturang sasakyan habang inaalam rin ang background ng dalawang nasakotse.

 

vuukle comment

ARNAIZ AVE

AVILLA

BINEBEREPIKA

HIGHWAY PATROL GROUP

HONDA CITY

PASAY CITY

PATRICIA AVILLA

REYNAN LUCAS

ZAMORA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with