^

Metro

Obrero pinatay dahil sa paputok

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumambad ang bangkay ng 26-anyos na obrero na sinaksak ng kanyang kapitbahay na sinasabing nagalit dahil sa paputok matapos ang putukan sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Pasig City kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng saksak sa dibdib at sikmura ang biktimang si Christian Develleres, binata, ng Purok 6 Callejon II, Brgy. Sta. Cruz sa nasabing lungsod.

Samantala, hinahanting naman ngayon ng pulisya ang tumakas na suspek na si Gene Garcia.

Sa ulat ng Pasig PNP, matapos ang kasagsagan ng putukan, dakong ala una y medya ng madaling-araw nang makitang nagtatalo sina Develleres at Garcia sa hindi pa mabatid na dahilan.

Nagbunot ng patalim ang suspek at dalawang beses na inundayan ang biktima bago mabilis na tumakas. 

Sinaklolohan naman ng mga kaanak si Develleres at isinugod sa Pasig City General Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

vuukle comment

BAGONG TAON

BRGY

CALLEJON

CHRISTIAN DEVELLERES

CRUZ

DEVELLERES

GARCIA

GENE GARCIA

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with