^

Metro

Lalaki nalungkot sa Pasko, nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang kalungkutan umano sa pagdiriwang ng Pasko na wala sa piling ng asawa ang nagtulak sa isang lalaki para magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Si Allan Montoya, 29, ay tinangka pang iligtas ng kanyang tatay matapos kalagan mula sa pagkakabigti pero nabigo na rin ito, ayon kay SPO1 Jaime Jimena, desk officer.

Nabatid na alas-6:45 ng gabi nang matagpuang nakabitin sa window grill ng kanilang comfort room  ang biktima ng kanyang nanay, na si Aling Natividad.

Agad na tinawag ni Aling Natividad  ang kanyang asawa na nag-alis sa pagkakabitin ng anak, saka sinubukang i-revive ito pero nabigo na ito.

Ayon sa ulat, ang biktima ay labis na na-depress dahil wala itong trabaho na iniwan pa ng buntis na misis.

vuukle comment

ALING

ALING NATIVIDAD

AYON

JAIME JIMENA

KANYANG

NABATID

PASKO

QUEZON

SI ALLAN MONTOYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with