^

Metro

Binata niratrat, dedo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang binata matapos itong pagbabarilin ng dalawang kalalakihan na naka-motorsiklo, kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose Reyes Medical Center ang biktimang si John Hidalgo, 33, ng Lot 5, Block 6, Champaca St., Judge Roldan, Brgy. San Roque ng naturang lungsod, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .45 baril.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up ang mga pulis hinggil sa insidente at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ayon sa pagsisiyasat ni P03 Edwin S. Guzman, ng Station Investigation Division (SID), Navotas City Police, naganap ang insidente alas-12:30 ng madaling araw sa panulukan ng Governor Pascual Avenue at Leongson St., Barangay San Roque ng naturang lungsod.

Habang nakatayo ang biktima sa naturang lugar kasama ang kaibigang si John Paul Cruz nang biglang dumating ang isang motorsiklong walang plaka at sakay ang mga suspek.

Walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima dahilan upang bumulagta ito at matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Dinala naman ang biktima ng kanyang mga kaanak sa Navotas Lying-In, su­balit inilipat ito sa Dr. Jose Reyes Medical Center, ngunit habang ginagamot ay binawian ito ng buhay.

Ayon sa mga kaanak biktima, mabait ito at wala silang alam na may kaaway ito, patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang kaso.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN ROQUE

CHAMPACA ST.

DR. JOSE REYES MEDICAL CENTER

EDWIN S

GOVERNOR PASCUAL AVENUE

JOHN HIDALGO

JOHN PAUL CRUZ

JUDGE ROLDAN

LEONGSON ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with