^

Metro

Tindahan ng cellphone sa loob ng mall, hinoldap

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matagumpay na napasok ng nag-iisang holdaper  ang isang cellphone shop na nasa loob ng isang malaking mall sa Pasay City, kama­kalawa ng umaga.

Sa reklamo ni Joyce Ann Bantayanon, assistant officer-in-charge ng Fone Style cellphone store sa Unit NP200 sa ikalawang palapag ng mall, natangay ng nag-iisang salarin ang tatlong mamahaling cellphone na may halagang higit sa P30,000 bawat isa at laman ng kaha na aabot sa P50,974.  Inilarawan naman nito ang holdaper na nakasuot ng short pants, puting t-shirt  at pulang baseball cap.

Sa kanyang salaysay, sinabi ni Bantaya­non na nag-aayos pa lamang siya ng display na cellphone sa loob ng tindahan dakong alas-9:56 ng umaga nang pumasok ang salarin na nagkunwaring kostumer at nagtanong kung may tinda silang Samsung S4 phone.

Habang kinukuha niya ang pang-demo na cellphone, binaligtad na ng salarin ang “open sign” sa “close sign” sa pinto ng shop upang walang pumasok na ibang kostumer saka siya tinutukan ng patalim.

Tinangka pa umano niyang manlaban ngunit ginulpi siya ng holdaper at saka iginapos gamit ang packaging tape bago tinangay ang pera ng kaha at tatlong pinaka­mahal na cellphone.

Sinabi ng biktima sa pulisya na tinangka niyang habulin ang suspect nang magawang makalag ang gapos subalit hindi na niya ito inabutan.

 

vuukle comment

BANTAYA

CELLPHONE

FONE STYLE

HABANG

INILARAWAN

JOYCE ANN BANTAYANON

MATAGUMPAY

PASAY CITY

SAMSUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with