^

Metro

Kelot nagbaril sa sarili, sa loob ng sasakyan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumanggi  ang pamilya ng isang 53-anyos na lalaki na ipasa­ilalim sa awtopsiya ang bangkay nito makaraang makitang wala nang buhay dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo at pinaniniwalaang nagpakamatay sa loob ng sasakyan sa tapat ng kanyang bahay sa Parañaque City, kamakalawa ng hapon. Nakilala ang nasawi na si Benjamin Manzano, residente ng  Tirona Street, BF Homes Subdivision, sa naturang lungsod.  Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa ulo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang asawang si Michelle sa loob ng kanilang Toyota van na nakaparada sa labas ng kanilang bahay dakong alas-5:30 ng hapon. Ayon kay Michelle, kararating pa lamang niya galing sa trabaho nang mapansin ang van na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay.  Nang kanyang silipin ito, dito na niya nakita ang bangkay ng asawa sa hulihang bahagi ng upuan ng van.

Sa pagsusuri ng mga imbestigador, natagpuan nila ang isang kalibre .22 rebolber na baril na hawak pa umano ng kanang kamay ng biktima. May pitong buhay na bala pa ito habang isa ang napaputok. Nakuha rin sa loob ng van ang isang liham ng pamamaalam na may nakasaad na “Nagpakamatay ako at ayaw ko nang sabihin ang dahilan, personal ito”.

vuukle comment

AYON

BENJAMIN MANZANO

HOMES SUBDIVISION

MICHELLE

NAGPAKAMATAY

NAGTAMO

NAKILALA

TIRONA STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with