^

Metro

Sales executive, patay sa holdap

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinoldap saka pinaslang ang isang 27-anyos na sales executive ng isang car company kahapon  ng  madaling-araw sa lungsod Quezon.

Ilang beses na binaril sa ulo ng dalawang arma­dong suspek ang biktimang si Mark Matthew Alvarez,  sales executive ng Mitsubishi Motors sa may Petron  gasoline station sa kanto ng Commonwealth Avenue  at  Atherton St., Brgy. North Fairview matapos na ito ay holdapin.

Ayon kay Inspector Elmer Monsalve, hepe ng Homicide Division ng QC police, narekober  sa  crime scene ang 3 bala ng 45 caliber­ ­­pistol, 3 bala ng 9mm pistol at 6 na slugs.

Sinasabing ang biktima ay unang nakitang nakasakay sa isang kulay pulang Honda Scoopy motorcycle  at nagpagasolina saka nakitang may kausap na lalaki.

Ilang sandali pa, isang taxi driver na nasa malapit sa gasolinahan ang naka­kita kay Alvarez na tumatakbo na nakayapak at hinahabol ang dalawang kalalakihan.

Makaraan nito ay binaril din ng mga suspek ang biktima hanggang sa humandusay.

Sinasabing isa sa suspek ang kumuha ng pouch na may pera at cell phone ng biktima at saka nagsitakas dala rin ang motorsiklo ng nasawi.

vuukle comment

ATHERTON ST.

COMMONWEALTH AVENUE

HOMICIDE DIVISION

HONDA SCOOPY

ILANG

INSPECTOR ELMER MONSALVE

MARK MATTHEW ALVAREZ

MITSUBISHI MOTORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with