^

Metro

Nurse ninakawan, pinatay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang nurse na lalaki na pinaniniwalaang ninakawan at pinatay ang natagpuan sa loob ng kanyang tinutuluyan sa lungsod Quezon.

Kinilala ni Insp. Elmer Monsalve, hepe ng homicide investigation section ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktima na si Jose Zoe Espia, 41, nurse sa Far Eastern University (FEU) Hospital sa lungsod.

Ayon kay Monsalve, ang biktima ay nasa state of decomposition na nang matagpuan 12:45 ng tanghali sa loob ng kanyang tinutuluyan sa No. 44 Archer St., North Fairview Park Subdivision, Barangay North Fairview.

Natagpuan ang biktima na walang saplot na nakasubsob at may mga tusok ng patalim sa kanyang katawan.

Bagama’t hindi pa batid mula sa mga kaanak ni Espia kung ano ang nawawalang gamit, naniniwala naman si Monsalve na ang biktima ay pinagnakawan pa dahil hindi na makita ang kanyang pitaka at cell phone. 

Nabatid ni Monsalve mula sa mga residente sa lugar na ang biktima ay huling nakitang buhay Sabado ng gabi makaraang dumating ito ng kanyang bahay kasama ang isang hindi nakikilalang lalaki.

Sabi pa ng opisyal na si Espia ay pinaniniwalaang lasing kasama ang lalaki sa loob ng bahay.

Hanggang nitong Martes ng hapon, nang puntahan si Espia ng kanyang kasamahang si Bernard Barranco para tignan dahil dalawang araw nang hindi na ito nagre-report sa trabaho.

Makailang beses na kinatok ni Barranco ang gate ng bahay ng biktima, pero walang sumasagot. 

Gayunman dahilan sa masangsang na amoy kaya sumilip siya sa bintana at nakita ang biktima na nakadapa sa sahig kaya agad niya itong itinawag sa security ng subdibisyon.

vuukle comment

ARCHER ST.

BARANGAY NORTH FAIRVIEW

BERNARD BARRANCO

BIKTIMA

ELMER MONSALVE

ESPIA

FAR EASTERN UNIVERSITY

JOSE ZOE ESPIA

MONSALVE

NORTH FAIRVIEW PARK SUBDIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with