^

Metro

Rapist ng paslit, itinumba

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - ‘Grupong sundo: rapist grade 4 student.’

Ito ang mga katagang nakasulat sa kapirasong papel na natagpuan sa tabi ng bangkay ng isang la­laking pinaniniwalaang biktima ng salvage sa isang kalye sa lungsod ng Quezon, kama­kalawa ng gabi.

Ayon kay SPO1 Eric Lazo, sa kasalukuyan, wala pa ring pagkakakilanlan sa biktima na inilarawang nasa gulang na 45-50-anyos, may taas na 5’, moreno, ka­tamtaman ang pangangatawan at may tattoo na puso sa kanyang kaliwang balikat at nakasuot ng puting-t-shirt at asul na pants.

Ang biktima ay may tama ng bala sa kaliwang pisngi na lumabas sa likurang bahagi ng kanang tenga nito.  Bukod pa rito, nababa­lutan pa ng packaging tape ang kanyang ulo, kabilang ang sa bibig. Maging ang mga kamay ay nakatali rin ng packaging tape at natagpuan sa may Road 12, Brgy. Bahay Toro, ganap na alas-9:30 ng gabi.

Malaki ang paniwala ng pulisya na dawit ang nasawi sa kaso ng panghahalay sa mga paslit base na rin sa mga katagang sadyang iniwan sa tabi ng bangkay nito.

vuukle comment

AYON

BAHAY TORO

BRGY

BUKOD

ERIC LAZO

GRUPONG

MALAKI

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with