^

Metro

Epileptic, nalunod sa sapa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 33-anyos na lalaki na may sakit umanong epilepsy nang lumutang ang katawan sa isang sapa sa Taguig City kamakalawa ng tanghali.

Nakilala ang nasawi na si Paul Guttierez, ng #70B ML Quezon Street, Brgy. Hagonoy, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Taguig Police, dakong alas-11 kamakalawa ng tanghali nang lumutang ang bangkay ni Guttierez sa sapa sa gilid ng CP Tinga Gymnasium sa naturang barangay.  Agad na inahon ito ng mga opisyal ng barangay at kinilala naman ng mga kaanak.

Ayon kay Annalyn Guttierez, kapatid ng biktima, noon pang Miyerkules nawawala ang biktima na iniulat naman umano nila sa pulisya.

Maaari umanong inatake ito ng sakit na epilepsy nang mapagawi sa bahagi ng sapa at nalaglag.  Posibleng walang nakapansin sa pagkahulog ng biktima kaya hindi na ito na­saklolohan at tuluyang malunod.

vuukle comment

ANNALYN GUTTIEREZ

AYON

BRGY

GUTTIEREZ

HAGONOY

PAUL GUTTIEREZ

QUEZON STREET

TAGUIG CITY

TAGUIG POLICE

TINGA GYMNASIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with