^

Metro

Granada na may timing device itinanim sa sasakyan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaligtas sa posibleng malaking pinsala sa buhay at ari-arian kung hindi agad narekober ng isang guwardiya ang isang granada na may timing device at nagbabantang su­mabog na ikinabit sa isang sasakyan na nasa loob ng isang gusali sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ang establisimentong tinaniman ng bomba ay ang FH Manere Property Group Inc. na mata­tagpuan sa Matahimik St., corner V. Luna St., Brgy. Pinyahan.

Ayon kay SPO2 Eric Lazo, ang grenade MK-2 HE ay natagpuang wala nang safety pin, pero may nakakabit na nakasinding sigarilyo at anim na palito ng posporo at  rubber band bilang timer.

Sa pagsisiyasat, narekober ang nasabing granada ng guwardiyang si  Liberato Bato Jr., sa isang Honda civic model 2000 (ZSV-733) na pag-aari ng isang Jonathan Gabriel, 30, ganap na alas- 11:50 ng gabi.

Bago ito, nagbabantay umano si Bato sa kanyang puwesto nang dumating ang isang sasakyan na pag-aari ng may-ari ng establisimento.

Nang makita ito ni Bato ay agad na kinuha niya  ang susi ng Honda Civic sa security table saka iniabot ito sa kasamahang guwardiya na si Allan Rabillosa para ilipat ito sa ibang lugar.

Habang pinaandar ni Rabillosa ang sasakyan ay napuna naman ni Bato  mula sa likurang bahagi nito ang isang granada na naka-tape at may nakakabit ang palito ng posporo at nakasinding sigarilyo.

Dahil sa banta ng panganib, agad na kinuha ni Bato ang granada at pinatay ang nakasinding sigarilyo saka iniwan ito sa kabilang kalye, bago tuluyang tumawag ng awtoridad.

Agad namang rumesponde ang tropa ng Explosives Ordnance­ Division ng QCPD sa pamumuno ni Insp. Noel Sublay at na­rekober ang granada na posibleng sumambulat ang nasabing granada at makapinsala bunga ng naturang mga devices.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing in­sidente.

vuukle comment

ALLAN RABILLOSA

BATO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ERIC LAZO

EXPLOSIVES ORDNANCE

HONDA CIVIC

ISANG

JONATHAN GABRIEL

LIBERATO BATO JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with