^

Metro

Jeepney driver inutas ng pasahero

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang 36-anyos na jeepney driver makaraang pagbabarilin ng isang lalaki na nagpanggap na pasahero, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Nagtamo ng tama ng bala sa mukha ang biktimang si Christopher Enclona­ ng Bayabas St., Sto. Niño, Brgy. Western Bicutan sa nasabing lungsod. 

Sa ulat ng Taguig City PNP, bumibiyahe ang biktima sa kahabaan ng C5 Road nang barilin pagsapit sa bahagi ng Barangay Pinagsama.

Sinabi sa mga imbestigador ng ka-live-in ng bik­tima na may nakaaway na motorista ang kanyang kinakasama dalawang araw na ang nakalipas dahil sa gitgitan ng sasakyan. 

Ang nakaaway na lalaki ng biktima ay namaril kung saan masuwerteng hindi tinamaan matapos paandarin agad ang kanyang jeepney.

Gayon pa man, dalawang araw na hindi pumasada si Enclona matapos na lagnatin, dahil sa insi­dente na hindi na nila iniulat sa pulisya. Nang guma­ling, mu­ling pumasada ang biktima ngunit dito na ito napaslang.

Hinala ng pulisya, ma­­aaring inabangan ng gunman ang muling pagpasada ng biktima para isakatuparan ang krimen.

vuukle comment

BARANGAY PINAGSAMA

BAYABAS ST.

BRGY

CHRISTOPHER ENCLONA

ENCLONA

SHY

TAGUIG CITY

WESTERN BICUTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with