^

Metro

Bebot todas sa tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang babae matapos na barilin ng riding-in- tandem habang lulan ng isang pampasaherong jeepney sa Brgy. dela Paz, Pasig City, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si Mary Joy Aniceto, 20, dealer ng Vita Plus at residente ng Block 60, Lot 60, corner Road 21, Cogeo Village, Antipolo City.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na nakasakay sa motorsiklong hindi naplakahan at kapwa nakasuot ng helmet at jacket.

Batay sa report ni SPO1 Michael Espares kay P/Chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng Criminal Investigation Section ng Pasig City Police, dakong ala-1:30 ng hapon nang tambangan ang biktima sa Marcos Hi-Way, Brgy. Dela Paz, Pasig City.

Nauna rito, sakay ang biktima ng pampasaherong jeepney na may plakang TXD-828 at may biyaheng Marikina-Bagong Nayon, ngunit pagdating sa tapat ng Diamond Motors ay sinabayan ng motorsiklo ng mga suspek.

Nang tumigil ay nagtungo sa kaliwang bahagi ang mga suspek sa tabi ng driver at walang sabi-sabing binaril ang biktima na tinamaan sa likod.

Nang makitang tinamaan ang target ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod naman sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) ang biktima ngunit nasawi rin.

Inaalam na ng pulisya ang motibo ng krimen at kung sino ang may kagagawan nito.

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

ANTIPOLO CITY

BRGY

CHIEF INSP

COGEO VILLAGE

CRIMINAL INVESTIGATION SECTION

DELA PAZ

DIAMOND MOTORS

GLENN MAGSINO

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with