^

Metro

Market administrator, itinumba

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang babaeng market admi­nistrator matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nani­­ningil ng mga renta sa loob ng palengke sa Valenzuela City, kama­kalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Juliana Lopez, 42,  ng Cristobal St., Brgy. Karuhatan ng naturang  lungsod at administrator ng Karuhatan Public Market.

Sa inisyal na report na nakarating sa tanggapan ni Senior Supt. Rhode­rick Armamento, hepe ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente alas-4:00 ng hapon sa Karuhatan Public Market habang naniningil ang biktima sa mga tindera ng renta para sa kanilang pwesto nang biglang sumulpot sa likuran  nito  ang suspek na armado ng baril at saka mala­pitan itong binaril sa ulo dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang in­sidente ay mabilis na tumakas ang suspek.

Blangko pa ang pu­lisya sa motibo sa naganap na krimen habang masusi namang sini­siyasat ang insidente.

vuukle comment

ARMAMENTO

BLANGKO

CRISTOBAL ST.

JULIANA LOPEZ

KARUHATAN PUBLIC MARKET

SENIOR SUPT

SHY

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with