^

Metro

Trader todas sa pamamaril ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang negos­yante makaraang pagba­barilin ng riding in tandem habang ang una ay nakatayo at ini-entertain angkanyang kostomer sa shop sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Reynaldo de Guzman, 50, may-asawa ng no. 29 Magnolia St., Dominga Subdi­vision, Brgy. Talipapa.

Ayon kay SPO1 Eric Lazo, dalawang sakay ng motorsiklo ang sangkot sa pamamaril sa biktima na mabilis ring tumakas makaraang isagawa ang krimen.

Nangyari ang insidente sa may harap ng Rey Bet Auto shop na matatagpuan sa no. 40 Mindanao Avenue, Brgy. Talipapa, ganap na alas-3:45 ng hapon.

Bago ang insidente, nakikipag-usap umano ang biktima sa kanyang kostomer sa shop nang biglang sumulpot ang isa sa mga suspect sa likuran ng una at pagbabarilin ito.

Agad na nasawi ang bik­tima, habang ang salarin ay dumiretso naman sa naghihintay na kasamahang may dalang motorsiklo at suma­kay saka sumibat palayo, pa­­tungong direksyon ng Sa­ngandaan Avenue.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad, narekober sa crime scene ang dalawang piraso ng basyo ng kalibre .45 at dalawang tingga nito. Pa­tuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

DOMINGA SUBDI

ERIC LAZO

MAGNOLIA ST.

MINDANAO AVENUE

REY BET AUTO

SHY

TALIPAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with