^

Metro

Kuya binoga ni bunso

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sugatan ang isang 33-anyos na vendor matapos na barilin ng kanyang bunsong kapatid na inawat niya sa pakikipag-away sa kainuman sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng Criminal Investigation Section ng Pasig City Police, ang biktima na si Richard Augustia, 33, at residente ng Block 5, Esguerra St., Villa Monique, Brgy. Pinagbuhatan.

Si Richard ay naka-confine ngayon sa Rizal Medical Center­ (RMC) bunsod ng tinamong tama ng bala ng sumpak sa dibdib na tumagos sa kaliwang balikat.

Mabilis namang tumakas ang suspek na kapatid nito na si Ramon Augustia, 19,  vendor.

Batay sa report dakong alas-7:45 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng Villa Monique sa naturang barangay.

Bago ang krimen, masayang nag-iinuman si Ramon kasama ang mga kaibigan nito ngunit nang malasing ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng grupo.

Inawat naman umano ni Richard si Ramon sa pakikipag-away, ngunit sa halip na magpaawat ay pinagbalingan nito ng galit ang nakatatandang kapatid at binaril ng sumpak.

Nang makitang bumagsak ang kapatid ay mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod naman sa nasabing pagamutan ang biktima.

vuukle comment

BRGY

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION SECTION

ESGUERRA ST.

GLENN MAGSINO

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

PINAGBUHATAN

RAMON AUGUSTIA

VILLA MONIQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with