^

Metro

Trader biktima ng Akyat-bahay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagawang makapasok ng hindi pa nakikilalang  miyembro ng Akyat Bahay Gang sa bahay ng isang  negosyanteng Tsinoy sa isang eksklusibong subdibisyon sa Taguig City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng pulisya, pinasok ng mga magnanakaw ang bahay  ni Joseph Kyi, sa loob ng Pacific Residences sa Brgy. Tuktukan sa naturang lungsod.  Natangay ng magnanakaw ang kanyang mamahaling laptop computer, desktop computer, cellular phone at hindi pa mabatid na halaga ng pera.

Hinihinalang naganap ang pagnanakaw sa pagitan ng alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-6 kahapon ng umaga.

Narekober ng pulisya ang baluktot na tinidor na hinihinalang ginamit sa pagbukas ng lock ng pintuan ng bahay matapos wasakin ang screen sa harapan.

Nagtataka naman ang pulisya kung papaanong nakapasok sa loob ng subdivision ang mga suspect gayung mahigpit ang mga security guard at hindi basta nakakapasok ang hindi naninirahan dito.

Napag-alaman na ilang ulit ng nangyari ang nakawan sa loob ng subdivision kaya hinala ng pulisya na residente rin ng naturang lugar o bisita ang may kagagawan ng mga nagaganap na nakawan.

vuukle comment

AKYAT BAHAY GANG

BRGY

HINIHINALANG

JOSEPH KYI

NAGAWANG

NAGTATAKA

NAPAG

NAREKOBER

PACIFIC RESIDENCES

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with