^

Metro

May sakit sa pag-iisip, nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 50-anyos na may kapansanan umano sa pag-iisip ang natagpuang patay matapos na magbigti sa balcony ng kanilang bahay sa lungsod Quezon, gamit ang kadena ng aso, ayon sa ulat kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Horacio Velasco, binata, umano’y out patient sa Pasig Psychiatric Clinic, ayon kay PO2 Marlon dela Vega.

Ayon kay Dela Vega, ang bik­tima ay natagpuan ng isang Gretchen Sangbaan, house helper habang naka­bigti sa may balcony ng kanilang bahay sa may #88 Dr. Lascano St., Brgy. Laging Handa, ganap na alas-5:30 ng madaling-araw.

Kasalukuyang gumagawa ng kanyang trabaho si Sangbaan nang madiskubre nito ang biktima dahilan para agad niyang ipagbigay alam ito sa kapatid na si Eduardo.

Agad namang rumes­ponde si Eduardo at pinutol ang kadena saka sinubukang i-revive ang biktima, pero nabigo rin ito.

vuukle comment

AYON

BRGY

DELA VEGA

DR. LASCANO ST.

EDUARDO

GRETCHEN SANGBAAN

HORACIO VELASCO

LAGING HANDA

PASIG PSYCHIATRIC CLINIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with