^

Metro

Nurse hinoldap na, minolestiya pa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matinding trauma ang inabot ng isang dalagang nurse na hinoldap na ay minolestiya pa ng tatlong lalaki, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Ang biktima na itinago lamang sa pangalang  Maya, 22, ay naninirahan sa Brgy. Pinagkaisahan ng naturang siyudad.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Station Investigation Branch (SID), Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng gabi sa Harvard St., at Kalayaan Avenue, Brgy. Pinagkaisahan ng naturang lungsod habang naglalakad ang biktima sa naturang lugar patungo sa kanyang pinagtatrabahuhang ospital nang biglang sumulpot sa likuran nito ang isa sa mga suspek.

Tinutukan ang dalaga  ng patalim at isinakay sa isang kulay puting kotse na hindi niya nakuha ang plaka.

Sa loob ng kotse ay nandon pa ang dalawang suspect na nagdeklara ng holdap sa biktima.

Tinangkang halayin ang biktima kung saan ay sinimulan na itong paghihipuan sa  maseselang bahagi ng katawan.

Saka lamang tumigil ang mga suspek nang magmakaawa ang dalaga at matapos makuha ang kanyang cellphone at pera saka lamang ito pinakawalan kung saan ibinaba sa area ng San Juan City.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang kaso.

vuukle comment

BRGY

HARVARD ST.

KALAYAAN AVENUE

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MATINDING

PATULOY

PINAGKAISAHAN

SAN JUAN CITY

STATION INVESTIGATION BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with