^

Metro

Binata utas sa suntok ni kuya

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 41-anyos na binata ang nasawi  nang  suntukin ito  ng nakatatanda nitong  kapatid kamakalawa sa Malabon City.

Hindi na nakarating ng buhay nang dalhin sa Pagamutan Bayan ng Malabon  si Francisco Domingo, miyembro ng Civil Security­ Unit ng Malabon City Hall at re­sidente ng Leonio St. ng nasabing barangay.

Pinaghahanap naman ng mga awto­ridad ang kuya nito na suspek na si Roby Domingo, 49,  mekaniko, ng Borromeo St., Brgy. Longos, Malabon City.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO4 Ferdinand Espiritu, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa nasabing lugar.

Nauna rito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid hanggang sa biglang umalis ang suspek sakay ng kanyang van.

Ilang sandali pa ay  bumalik ang suspek at nakita nito ang biktima na naghihintay  ng sasakyan patungong Monumento.

Nilapitan ng suspek ang nakababatang kapatid at saka biglang  sinuntok  sa dibdib.

Agad na nanikip ang dibdib ng biktima at hindi na umabot pang buhay nang isugod sa pagamutan.

Mabilis namang tumakas ang utol nito.

Hindi pa malinaw sa pulisya kung ano ang dahilan ng pag-aaway ng magkapatid.

vuukle comment

BORROMEO ST.

CIVIL SECURITY

FERDINAND ESPIRITU

FRANCISCO DOMINGO

LEONIO ST.

MALABON CITY

MALABON CITY HALL

PAGAMUTAN BAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with