^

Metro

Kelot dedo sa resbak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala ang katawan ng isang 22-anyos na lalaki na naging sanhi ng kamatayan nito nang di­umano’y resbakan ng dalawang hindi pa kilalang mga suspect  sa onsehan ng iligal na droga, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Mark Leonard Ricosana, alyas “Making”, residente ng Quezon St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi, nang biglang sumulpot ang dalawang suspect at pinaulanan ka­agad ng putok ang biktima na nakaupo sa Osmeña St. 

Nagawa pang makatakbo ng biktima kahit may mga tama na ng bala sa katawan subalit hinabol siya ng mga suspect at nang bu­magsak sa isang plastic container ay muling pinaputukan upang siguru­hing hindi na mabu­buhay.

Ayon sa pulisya, posib­leng may kaugnayan ang resbak sa pagpatay sa isang Benjamin delos Santos, 42,  nitong nakalipas na Martes, na sinasabing na-estafa na sa pagbili ng shabu ay binaril pa.

 

vuukle comment

AYON

KINILALA

MARK LEONARD RICOSANA

MAYNILA

NAGAWA

OSME

QUEZON ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with