^

Metro

Ex-sekyu binoga patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang dating security guard ang patay nang paulanan ng bala ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa labas ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang kinilalang si Arnulfo Rubia, 42, may asawa at residente ng Temporary Housing, Vitas, Tondo dahil sa apat na  balang tinamo sa ulo at katawan.

Batay sa impormasyon, nakasuot ng bonnet ang armadong suspect na naglakad lamang papalayo matapos ang pamamaril.

Sa ulat ni SPO2 Benito Cabatbat ng Manila Police District Homicide Section,  dakong alas-9:00 ng umaga nang mang­yari ang pamamaril sa labas lamang ng bahay ng biktima.

Paniwala ng pulisya, nagsadya sa mismong lugar ang suspect upang makakuha ng pagkakataon na maitumba ang biktima.

Wala pang motibo at pagkikilanlan ang suspect na kasa­lukuyan pang inaalam.

 

vuukle comment

ARNULFO RUBIA

BATAY

BENITO CABATBAT

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

ISANG

MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PANIWALA

TEMPORARY HOUSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with