^

Metro

Karnaper huli sa CCTV

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nakalusot sa ginawang krimen ang isang karnaper makaraang maaresto ito ng pulisya matapos na mabuko ang ginawang pag­­tangay sa isang motorsiklo nang makunan siya ng closed circuit television ca­mera (CCTV), kama­kalawa ng umaga sa Pasay City.

Nadakip sa isinagawang operasyon ang suspek na nakilalang si Marvin Reyes, 20,  ng  Decena St., ng natu­rang lungsod.

Narekober naman ang tinangay nilang Suzuki Raider J motorcycle na pag-aari ng security guard na si Mark Cesar Parohinog, 29, residente rin ng naturang lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:12 ng umaga nang ipa­rada ng biktima ang kanyang motorsiklo sa tapat ng kanilang bahay at nang balikan niya ito makaraan ang halos kalahating oras ay nawawala na ito.

Agad nagtungo sa ba­rangay hall ang biktima upang iulat ang nasabing in­sidente. Nang tignan ang kuha ng CCTV na nakakabit sa mga kalsada sa ba­rangay, dito naispatan ang motorsiklo ng biktima na minamaneho ni Reyes.

Dito na nakipag-ugna­yan ang barangay sa pu­lisya at magkatulong na pinuntahan ang suspek sa bahay nito sanhi ng kanyang pagkakaaresto. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong carnapping.

vuukle comment

DECENA ST.

DITO

MARK CESAR PAROHINOG

MARVIN REYES

NADAKIP

NAHAHARAP

PASAY CITY

SHY

SUZUKI RAIDER J

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with