^

Metro

Problemado na sa misis, problemado pa sa GF driver nagbigti

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tila hindi na nakayanan pa ng isang driver ang  kanyang problema sa kanyang misis at girlfriend kung kaya’t mina­buti na lamang nitong mag­patiwakal sa pama­magitan ng pagbibigti, kahapon ng ma­daling-araw sa Tondo,Maynila.

Dead-on-arrival sa Tondo Me­dical Center si Hector Garcia, 37, PUJ driver at na­ka­tira sa Capulong St., Tondo, Maynila.

Ayon kay  Senior Inspector Steve Casimiro, hepe ng   MPD-Homicide Section, naganap ang pagpapatiwakal ng biktima dakong alas-2:35 ng madaling-araw sa Velasquez St., Tondo, Maynila.

Bago ito, nakita ng ilang saksi na nag-aaway ang bik­tima at girlfriend nito sa may Velasquez St. kung saan pansamantalang tumira umano ang biktima at gf nito na hindi nakuha ang pa­ngalan.

Makalipas ang ilang minuto ay nagulat na lamang ang mga saksi nang humingi ng tulong ang babae kung saan nakita naman si Garcia  na nakabigti.

Agad namang dinala sa ospital ang biktima subalit hindi na rin naisalba pa ng mga doktor.

Sa pahayag ni Casimiro, sobrang depresyon ang nakikitang dahilan sa pagpapakamatay ng biktima dahil problemado umano ito sa kanyang misis at kasalu­kuyang  kasintahan.

Ayaw naman umanong magbigay ng pahayag ng  misis at girlfriend  ng  biktima.

 

vuukle comment

CAPULONG ST.

HECTOR GARCIA

HOMICIDE SECTION

MAYNILA

SENIOR INSPECTOR STEVE CASIMIRO

SHY

TONDO ME

VELASQUEZ ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with