^

Metro

Bebot na pinaslang sa hotel, ‘nagpakita’ sa MPD

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Buhay na buhay nang lumutang sa Manila Police District (MPD) ang isang 23-anyos na dalagang napabalitang napatay ng kanyang nobyo sa isang hotel, sa Sta. Mesa, Maynila noong Hulyo 13.

Ayon kay SPO2 Ro­nald Gallo ng Manila Police District-Homicide Section, nagpakita na ang isang Rose Ann Valler, na residente ng Sitio Sagingan Dos, Brgy. San Isidro, Rodriguez,  Rizal upang patunayan na hindi siya ang babaeng natagpuang patay ng roomboy sa inokupahang silid sa Sta. Mesa hotel , noong Hulyo 13, 2013, alas-5:45 ng hapon.

Kasama ni Rose Ann ang kanyang nobyo na si Kervin Valcena, 27, ng Cabuyao, Laguna. Ito’y upang linawin din na hindi siya ang suspect sa pagpatay dahil hindi naman patay si Rose Ann.

Matatandaang personal  na nagtungo noong Hulyo 17 sa  morgue ng isang pune­­­rarya ang isang Rosemarie Valler, 29, umano’y kapatid ni Rose Ann na siyang nagpahayag sa MPD-Homicide Section na kapatid niya ang natagpuang patay.

Nagulat na lamang si SPO2 Gallo nang magtungo ang magnobyo sa MPD-Homicide Section.

Paglilinaw naman ng ka­patid na si Rosemarie, mahigit na isang taon na umanong hindi nagpapakita o nagpaparamdam si Rose Ann sa kanila kaya inakalang siya ang pinatay sa hotel.

“Mahigit isang taon na po kasi siyang hindi nagpa­paramdam, nang i-flash sa TV yung bangkay, e  kamukha  niya kaya inakala namin na siya si Rose-Ann pero nagulat kami nang bigla siyang sumulpot sa amin,” ani Rosemarie.

Nalaman na inaayos na umano ni Rosemarie at kanilang mga kamag-anak ang paglalagakan ng bangkay ni Rose Ann nang sumulpot ito sa kanila kasama ang nobyo.

Naging abala lamang umano si Rose-Ann sa kanyang trabaho sa isang Printing Press sa Caloocan City habang ang kanyang nobyo ay nagtatrabaho naman sa Cabuyao, Laguna.

Dahil dito, nananati­ling unidentified pa ang babaeng pinatay ng nobyo, at kasalukuyang nakalagak pa sa St. Harold Funeral ang bangkay nito.

 

vuukle comment

ANN

CABUYAO

CALOOCAN CITY

HOMICIDE SECTION

HULYO

ISANG

ROSE

ROSE ANN

ROSEMARIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with