^

Metro

Kelot itinumba

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bala ang sumalubong sa papauwi nang 27-anyos na lalaking sangkot umano sa serye ng holdapan at snatching na kagyat nitong ikinamatay sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang nasawi na si Ricky Manzano, ng Brgy. 33, Zone 3 Wagas  St., Tondo, Maynila. Tumakas naman ang suspect na sakay umano ng dilaw na motorsiklo, nakasuot ng itim na jacket, itim na pantalon at bull cap. Sa ulat, dakong alas-2:50 nang maganap ang  insidente  sa Quezon St., panulukan ng Perla St., sa Tondo habang naglalakad ang biktima nang biglang salubungin ng suspect at walang sabi-sabing pinaputukan ito sa ulo. May teorya ang mga awtoridad na pinatahimik ang biktima dahil sa pagiging kawatan umano o pwede rin umanong isa sa kanyang naging biktima ang may pakana. (Ludy Bermudo with trainee Pinky de Leon)

vuukle comment

BALA

BRGY

KINILALA

LUDY BERMUDO

MAYNILA

PERLA ST.

QUEZON ST.

RICKY MANZANO

TUMAKAS

WAGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with