^

Metro

Rider lasog sa bus

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang motorcycle rider makaraang masagi at magulungan ng isang pampasaherong bus, kahapon ng umaga sa Roxas Blvd., Pasay City.

Sa kabila ng suot na crash helmet, nadurog pa rin ang ulo ng biktimang nakilalang si Reynaldo Inoc, 24, ng  Mabini St., Don Galo, Parañaque City makaraang magulungan ng Malanday Metro Link Bus (TWR-315).

Hawak naman ngayon ng pulisya ang tsuper ng naturang bus na si Federico Bartolome, Jr., 50.  Nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Sa ulat ng Pasay City Police-Traffic Management Unit, na­ganap ang aksidente dakong alas-7:20 ng umaga sa kahabaan ng Roxas Blvd. Nabatid na tinangka umanong mag-overtake  ni Inoc lulan ng hindi nailarawang motorsiklo ngunit biglang kumabig umano ang bus at nasagi ang biktima.

Dahil dito, napailalim sa bus ang biktima at nagulungan pa ang ulo sanhi ng kanyang agad na pagkasawi.  Depensa naman ni Bartolome, hindi umano niya nasagi ang motor na sinasakyan ni Inoc. Sobrang bilis umano nito at mag-isang sumemplang kaya ito tumilapon at napailalim sa bus.

Dalawa namang pasahero ng bus ang tumayong testigo at nagpatunay sa kanilang sinumpaang salaysay na walang kasalanan ang driver na si Bartolome sa naturang insidente.

 

vuukle comment

BARTOLOME

BUS

DON GALO

FEDERICO BARTOLOME

INOC

MABINI ST.

MALANDAY METRO LINK BUS

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE-TRAFFIC MANAGEMENT UNIT

ROXAS BLVD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with