^

Metro

Bebot todas sa ka-date

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang buhay na naka­handusay, may sugat sa ulo at kaliwang mata sa loob ng shower room nang madiskubre ang isang hindi pa nakikilalang babae, sa isang hotel sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Inilarawan ni PO3 Julieto Malindog, ng Manila Police District-Homicide Sec­ tion ang biktima na nasa edad 20-25, may taas na  4”10, nakasuot ng kulay pu­lang t-shirt, maong na pantalon.         

Hindi na inabutan pa ng roomboy sa inokupahang silid ng biktima ang kasamang suspect na inila­rawan sa edad na 35, may taas na 5’2 at malaki ang pangangatawan.

Nadiskubre ang krimen dakong alas-5:20 ng hapon sa loob ng Room B21, 2nd floor ng Sta. Mesa Hotel, na matatagpuan sa no. 4100 Ramon Magsaysay Blvd., Sta.  Mesa, Maynila.

Ayon sa roomboy na si Kenneth Culta, nagcheck-in ang suspect at biktima noong Biyernes (Hulyo 12) bandang ala-1:50 ng hapon para sa 24-oras na pamamamalagi sa hotel.

Hindi naman umano nagpa-extend ang dalawa kaya ganung oras din ng Sabado sila dapat na magcheck-out. Dakong alas-3:30 ng ha­pon ng Sabado nang nagpaalam sa desk officer ang lalaki na lalabas sandali at iiwan muna ang kasamang babae.

Makalipas ang kalaha­ting oras ay inutusan umano ng desk officer na inspeksiyunin ang kuwarto ng biktima at suspect, kung  saan narinig pa ng roomboy ang tunog ng tubig na nagmumula sa shower kaya sinubukang katukin.

Dahil sa walang sumasagot at nagbubukas ng pintuan, napilitan ang hotel na buksan ang silid gamit ang duplicate key at doon na bumulaga ang nakahandusay na bangkay ng nasabing biktima.

Pinaniniwalaang binugbog at inuntog ang ulo ng biktima sa pader na naging dahilan ng kamatayan nito. 

Nanawagan na rin ang pulisya sa sinumang ka­anak na kikilala sa bangkay na makipag-ugnayan sa kanila upang makakalap ng impormasyon para sa ikadarakip ng suspect.

vuukle comment

JULIETO MALINDOG

KENNETH CULTA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SEC

MAYNILA

MESA HOTEL

RAMON MAGSAYSAY BLVD

SABADO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with