^

Metro

2 nagtangkang dumukot sa 10-anyos, arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nadakip nang tang­kaing dukutin  ng mga ito ang isang 10-anyos na batang babae sa pamamagitan nang pag-alok ng candy, kamakalawa sa Taguig City.

Kinilala ni Chief Inspector Edna Catilogo, hepe ng Womens Children Protection Desk ng Taguig City Police ang mga suspect  na sina  Steven Delgado, 19, at Vern Abala, 25, kapwa  vendor  at nakatira sa  Sapphire St., Rolling hills Subdivision, Novaliches, Quezon City.

Nakaligtas naman ang biktima   na itinago sa pangalang Abegail,  ng M.L. Quezon St., Brgy. Hagonoy ng nasabing lungsod makaraang makatakbo at makapasok sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa  pahayag ni Cesar Cahanding Jr., ama ng biktima, naganap ang insidente dakong alas-4:10  ng hapon nang pumasok sa loob ng M.L Quezon Compound Brgy. Hagonoy sa lungsod ang dalawang suspect upang magtinda ng pastillas.

Ngunit makalipas lamang ang ilang minuto nakita ng lolo ng biktima na nagtatakbo papa­lapit sa kanya ang apo at dito na isinumbong ng bata na pilit siyang isinasama ng dalawang lalaki.

Dahil dito ay agad na hinabol ng ama at lolo ng biktima ang mga suspect  na  hindi pa nakakalayo at nasakote na ang mga ito.

Mabilis namang rumesponde ang mga pulis sa insidente  at nagresulta ng pagkakadakip sa mga suspect.

Itinanggi ng mga suspect ang akusasyon na tangka nilang dukutin  ang biktima. Dahil dito sasampahan naman ng kasong attempted abduction­ at Republic Act 7610 o child abuse law ang dalawang nadakip na suspect sa Taguig City Prosecutor’s Office.

 

vuukle comment

CESAR CAHANDING JR.

CHIEF INSPECTOR EDNA CATILOGO

DAHIL

HAGONOY

L QUEZON COMPOUND BRGY

QUEZON CITY

QUEZON ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with