^

Metro

Bumbero iniwan ng misis, nagbigti

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang fire volunteer nang magbigti ito ma­tapos  iwanan ng kanyang misis sa Navotas City kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Paga­mutang Lungsod ng Malabon si Russel Llobrera, 43, ng Merville Subdivision, Brgy. Tanza ng naturang  lungsod.

Ayon sa report ng Navotas City Police, kamakalawa ng gabi ay naglasing ang biktima sa birthday party ng kaanak at naglabas ng sama nang loob dahil sa ginawang pag-iwan sa kanya ng misis.

Dakong alas-7:00 ng umaga­, bumulaga sa mga kapitbahay ang nakabigting si Llobrera, na nakatali ng nylon cord sa puno sa labas ng bahay nito.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

AYON

BRGY

DAKONG

INAALAM

LLOBRERA

LUNGSOD

MERVILLE SUBDIVISION

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

RUSSEL LLOBRERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with