^

Metro

Indian national bulagta sa tandem

Ricky T. Tulipat, Ma. Juneah Del Valle - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang Indian National matapos barilin ng riding-in-tandem suspect sa lungsod ng Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Nakilala ang nasawi na si  Jagrup Singh, 48,  ne­gosyante, residente ng Pal­mera Homes, Novaliches, sa lungsod.

Nangyari ang insidente sa Petron Gasoline Station na matatagpuan sa Pa­yatas road malapit sa Violago Homes, Brgy. Payatas ganap na alas-12:05 ng tanghali.

Ayon sa ulat, dumaan ang biktima sa gas station para pakargahan ang kanyang motorsiklo nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang mga suspect at saka pinagbabaril ang una. Matapos matiyak na patay na ang biktima ay mabilis nang nagsitakas ang mga suspect.

Ayon pa sa ulat, nagtamo si Singh ng isang tama ng bala sa kaliwang dibdib na agad na ikinamatay nito. Hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa krimen habang isinasagawa pa ang imbestigasyon ukol dito.

vuukle comment

AYON

BRGY

INDIAN NATIONAL

JAGRUP SINGH

MATAPOS

NAKILALA

NANGYARI

PETRON GASOLINE STATION

VIOLAGO HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with