^

Metro

22 huli sa drug raid ng QCPD

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawamput’ dalawa katao, kabilang ang limang menor-de-edad  ang inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District Anti-Illegal Drugs Task Group, matapos ang ginawang buy-bust ope­ration sa itinuturing na pugad ng iligal na droga sa lungsod kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay QCPD director Senior Supt. Richard Albano, isa na ito sa itinuturing nilang  malaking operasyon dahil sa pagkakabuwag ng isang shabu den at pagkakakum­piska sa isang iligal na sugal na video karera.

Sabi ni Albano, ang mga suspect ay nalambat ng mga operatiba matapos na isang impormasyon ang kanilang matanggap kaugnay sa ma­lawakang operation ng iligal na droga sa pangunguna ng isang Michelle Ibanez, 35, at live-in partner nitong alyas Bunso sa may Muslim compound sa Brgy. Culiat.

Nang maging positibo ang lakad, agad na nilusob ng tropa ang pinamumu­garan ng mga suspect sa may kahabaan ng Lanao St., corner Libyan St., Salaam compound, Brgy. Culiat at naaresto ang mga suspect habang naaktuhang tumitira ng shabu at naglalaro ng sugal na video karera.

Nakumpiska sa mga suspect ang 100 gramo ng shabu­, isang granada, tatlong pen gun, isang tim­bangan, drug paraphernalia, dalawang VK machines, anim na fruit games, at ilang piraso ng plaka ng motorsiklo at sasakyan at isang samurai.

Dagdag ni Albano, naging gawain na ng mga suspect na magbabad sa paglalaro ng games dahil matapos umanong tumira ng shabu ay doon na sila nagpapalipas ng oras.

 

vuukle comment

ALBANO

BRGY

CULIAT

DRUGS TASK GROUP

ISANG

LANAO ST.

LIBYAN ST.

MICHELLE IBANEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with