^

Metro

Lalaki lasog sa hit and run

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos ang sinapit ng isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraang mabiktima ng hit and run sa Andrews Ave­­nue sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Patay na nang madatnan ng mga rescuers ang biktima na tinatayang nasa 40 hanggang 50-anyos, may taas na 5’4, nakasuot ng kulay asul na t-shirt at short pants.

Batay sa  isinagawang im­bestigasyon ni SPO3 Murrillo ng Traffic Enforcement Unit ng Pasay City Police dakong alas-5:30 ng umaga ng mahagip ng hindi pa mabatid na sasakyan ang biktima sa kahabaan ng Andrews Ave­ nue, Maricaban ng naturang lungsod­.

Dahil sa walang nakasaksi sa insidente, tinakasan ng walang konsensyang tsuper ang kanyang krimen at hinayaan na masawi ang biktima.

Wala namang nakuhang wallet sa katawan ng biktima o anumang dokumento na maaaring pagkunan ng kanyang pagkakakilanlan. Dinala naman ang labi ng biktima sa Rizal Funeral Homes kung saan maaaring mapuntahan ng mga kaanak nito para kilalanin.

vuukle comment

ANDREWS AVE

BATAY

DAHIL

DINALA

KALUNUS

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

RIZAL FUNERAL HOMES

TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with