^

Metro

2 kelot tinodas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang na­itala ng Southern Police District (SPD) na pinaslang sa pamamagitan ng pagbaril sa magkahiwalay na insidente sa lungsod ng Pasay at Makati.

Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala sa katawan at ulo ang unang biktima na nakilalang si Robby Castuera, 33,  tricycle driver at residente ng Vergel St., Pasay.

Nabatid na dakong alas-3:45 kamakalawa ng hapon nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril sa may Vergel St., malapit sa I. Reyes St. sa naturang lungsod at natagpuan ang dugu­ ang bangkay ni Castuera. 

Tumanggi namang magsalita ang mga nakasaksi sa krimen at maging ang pamilya ng biktima ay tikom din ang bibig sa pangamba na baka sila ang balikan ng salarin.

Dakong alas-3:40 naman kahapon ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ni Luis Miguel Balicod, 24, tattoo artist at residente ng Lot 10, Blk 3, Zone 14, Brgy. Pembo sa kanto ng Agui­naldo at Aquino St., Brgy.  Rizal sa Makati City.

Bukod sa tadtad din ng tama ng bala ng kalibre .9mm sa katawan, nilaslas pa ng hindi pa kilalang salarin ang leeg ng biktima na agad nitong ikinamatay.

Inaalam na ng pulisya kung may kaugnayan sa ille­gal na droga ang magkahiwalay na insidente ng pamamaslang dahil kilala umano ang naturang mga lugar na madalas ang pagkakaroon ng transaksiyon sa ipinagbabawal na gamot.

vuukle comment

AQUINO ST.

BRGY

LUIS MIGUEL BALICOD

MAKATI CITY

PASAY

REYES ST.

ROBBY CASTUERA

SOUTHERN POLICE DISTRICT

VERGEL ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with