^

Metro

Bebot utas sa kapwa vendor

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang ginang na vendor ang pinagsasaksak ng kanyang kapwa vendor matapos na komprontahin ng una ang huli dahil sa sumbong ng anak ng pambabatok sa Tondo, Maynila kama­kalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Mary Jhons­ton Hospital ang biktimang si Sheila Ebdane, sanhi ng saksak sa katawan samantalang pinaghahanap naman ang suspect  na isang lalaking nagtitinda ng pakwan, nasa 40-45 anyos na  matapos ang insidente.

Sa report ni SPO1 Jay Santos ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-2:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa kanto ng Juan Luna at Chacon Sts., Tondo

Nauna dito, nag­ti­tinda ang biktima sa nasabing lugar nang nagsumbong sa kanya ang anak na si Hazel, 11 na umano’y madalas batukan ng suspect.

Dahil dito, pinuntahan ng biktima ang suspect  sa kanyang pu­westo at kinompronta ito subalit imbes na humingi ng paumanhin ay kumuha ng kutsilyo sa ilalim ng kanyang kariton at habang nakatalikod ang biktima ay inundayan ng saksak.

vuukle comment

CHACON STS

DAHIL

ISANG

JAY SANTOS

JUAN LUNA

MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION

MARY JHONS

MAYNILA

SHEILA EBDANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with