^

Metro

Naaagnas na bangkay ng lolo, nadiskubre

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa masangsang na amoy, nadiskubre ang naa­agnas ng bangkay ng isang lolo ng kanyang mga kapitbahay, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nakilala ang biktima na si Romeo De Guzman, 71 ng Gov. Pascual St., Sipac Almacen ng natu­rang lungsod. Wala namang pinsala sa katawan na natagpuan tanda na maaaring sa sakit nasawi ang matanda.

Base sa ulat ng pulisya, alas-7 ng gabi nang mapansin nina Jenaro Ambrocio, pedicab driver, ang masang­sang na amoy buhat sa bahay ng matandang si De Guzman.

Ipinagbigay-alam nito ang hinala sa mga opisyal ng barangay na nagtungo sa lugar at sapilitang binuksan ang bahay nang walang tumutugon sa kanilang tawag.  Dito tumambad ang bangkay ng matanda na nag-uum­­ pisa nang maagnas.

Ayon sa pulisya, maa­aring may dalawa o tatlong araw nang nasasawi ang biktima na posibleng inatake sa puso o na-stroke dahil sa sobrang init ng pana­ hon.

 

vuukle comment

AYON

DAHIL

DE GUZMAN

JENARO AMBROCIO

NAVOTAS CITY

PASCUAL ST.

ROMEO DE GUZMAN

SHY

SIPAC ALMACEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with