^

Metro

Call boy tumanggi sa bading, dinedo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 18-anyos na sinasabing call boy nang res­bakan siya ng isang bading na matapos siyang matipuhan at lapitan ay tinadyakan niya, kaya nagbalik ito para undayan ng saksak sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si John Eric Martinez, ng Remigio St., Sta. Cruz, Maynila sanhi ng saksak sa katawan.

Nakatakas naman ang suspect na di umano’y bading na kilala sa alyas na “Abdul”. Sa ulat ni SPO2 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kanto ng Avenida St., Recto Ave. sa Sta. Cruz, Maynila.

Natipuhan umano ng suspect ang biktima at nilapitan subalit tinadyakan siya ng huli. Umalis muna ang suspect at sa pagbabalik ay kinompronta ang call boy na nauwi sa suntukan hanggang sa magbunot ng patalim ang suspect at pinagsasaksak ang binata. Isinugod sa pagamutan ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay.

 

vuukle comment

ABDUL

AVENIDA ST.

CRUZ

JOHN ERIC MARTINEZ

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MILBERT BALINGGAN

RECTO AVE

REMIGIO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with