^

Metro

Hiniwalayan ng lover na tomboy: Bebot lumaklak ng silver cleaner

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pakikipag­ hiwalay ng kanyang tomboy na live-in partner, winakasan ng isang 24-anyos na lady guard ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa  San Juan De Dios Hospital si Ja­ne­ lyn Ulep, nakatalagang lady guard sa NAIA Ter­­minal-1 habang iniimbestigahan na ang live in partner nitong si Maryjane Catalan, 32, isa ring lady guard sa NAIA Terminal 3.

Ayon kay Pasay City Police chief Sr. Supt. Rodolfo Llorca, dakong alas-8:20 ng gabi nang matuklasan ang pag-inom ng lason ni Ulep sa loob ng inuupahang silid sa 195 Baltao St., ng naturang lungsod.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Cris Gabutin ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, nagkaroon  ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa matapos maghinala si Catalan na may kinahu­humalingan na isa ring tomboy sa NAIA Terminal-1 ang biktima.

Dahil dito, nag-text si Catalan kay Ulep at sinabing tinatapos na nito ang kanilang relasyon dahil hindi naman  siya pinahahalagahan ng live in partner. 

Gayunman, magka­s­ama pa ring umuwi ang dalawa sa bahay kung saan agad na nagkulong sa kwarto si Ulep at saka tumungga ng silver cleaner.

Nang pasukin ni Ca­talan sa silid si Ulep, nakita na lamang niya itong nakabulagta kaya’t hu­mingi ng tulong sa mga kasamahan upang da­lhin sa pagamutan.

vuukle comment

BALTAO ST.

CRIS GABUTIN

DAHIL

MARYJANE CATALAN

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

RODOLFO LLORCA

SHY

ULEP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with