^

Metro

Gusali tinupok ng apoy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang commercial-residential building ang tinupok ng panibagong sunog na sumiklab sa kanto ng Taft Avenue at Protacio St., sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Dakong alas-5:15 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy sa gusali na pag-aari ng isang Antonio Tan. 

Ayon kay P/Sr. Insp. Antonio Sotomayor, hepe ng Police Community Precinct 4, nagpapatrulya sila ng natu­rang oras nang mapansin ang makapal na apoy na nagmumula sa ikalawang palapag ng Sky-One Cycle­ Supply shop sa naturang gusali.

Mabilis na kumalat ang apoy sa katabing establisimento na tindahan at imbakan naman ng mga linoleum at foam. Nadamay rin ang mga apartment units sa naturang gusali.

Dakong alas-10 na ng tanghali nang tuluyang ma­deklarang “fire-out” ang sunog. Nahirapan ang mga pamatay-sunog na agad na maapula ang apoy dahil sa mga kemikal na nakaimbak at plastic na natupok sa loob ng gusali.

Wala namang naiulat na nasawi sa insidente ngunit isang fire volunteer na si Carlo Deguero ang umano’y nasu­gatan makaraang matilansikan ng nabasag na salamin.

vuukle comment

ANTONIO SOTOMAYOR

ANTONIO TAN

CARLO DEGUERO

DAKONG

PASAY CITY

POLICE COMMUNITY PRECINCT

PROTACIO ST.

SKY-ONE CYCLE

SR. INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with