^

Metro

1 pa dedo sa ‘killer highway’

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 43-anyos na lalaki, habang sugatan din ang kasama nito makaraang mabundol ng isang kotse at isang motorsiklo sa may bahagi ng Commonwealth Avenue, lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni PO3 Alfredo Moises­ ng Quezon City Police Traffic Sector 5 ang nasawi na si Henry Jober ng Pitogo St., Area B Payatas, Quezon City. Agad  na nasawi si Jober matapos na mabundol ng isang kotseng hindi naplakahan.

Sugatan naman ang kasama nitong si Antonio Villarin, 49, ng Sarmiento St., Brgy. Holy Spirit nang mahagip naman ng isang motorsiklo.

Base  sa ulat, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue sa kanto ng Samonte St., Brgy Holy Spirit.

Pauwi na umano ang dalawang biktima at tumatawid sa lugar nang biglang mahagip ng humahagibis na kotse si Jober. Sa lakas ng impact, tu­milapon ang biktima. 

Agad namang inalalayan ni Villarin ang biktima, suba­lit siya naman ang nahagip ng isang rumaragasang motorsiklo ni Jeffrey Moreno, 32, at nasugatan. Si Villarin ay nakaratay ngayon sa East Ave­nue Medical Center  habang patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad.

 

vuukle comment

ALFREDO MOISES

ANTONIO VILLARIN

AREA B PAYATAS

BRGY HOLY SPIRIT

COMMONWEALTH AVENUE

EAST AVE

HENRY JOBER

HOLY SPIRIT

JEFFREY MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with