^

Metro

Pangulo ng transport group, utas sa taga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang pangulo ng United Divisoria North Harbor Jacinto Operators and Drivers Association  (UDNAJODA-FEJODAP) nang tagain at saksakin  ng kasamahang driver, habang natutulog sa ibabaw ng kanyang motorsiklo sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot pang buhay sa Tondo Medical Center  ang biktimang si Roberto Custodio, 44,  ng  Quezon St.,  Tondo.

Wanted naman sa mga awtoridad ang tumakas na suspect na kinilalang si Clarence Litang, 31, kasamahang driver  ng nasawi. Ayon kay SPO2 Glenzor A. Vallejo ng Manila Police District, dakong alas-3:45 ng madaling-araw  nang maganap ang pagpaslang sa biktima sa Road 10, kanto ng Jacinto St., Tondo.

Nagpapahinga aniya, ang biktima sa kanyang motorsiklo at nang makaidlip ay inatake na ng taga at saksak ng suspect.

Nabatid na nakikipag-inuman ang suspect sa kaniyang tiyu­hin na si Jojo Litang at Rogelio U. Octaviano sa harap ng isang tindahan, malapit sa pinaradahan ng motorsiklo ng biktima, nang sumigaw ito na “ May papatayin ako!” bago kumuha ng itak sa loob ng tindahan at ginamit sa pananaksak at pagtaga sa natutulog na biktima. Agad na isinugod ng testigong si Octaviano sa  ospital ang biktima ngunit idineklara ring patay.

vuukle comment

CLARENCE LITANG

DRIVERS ASSOCIATION

GLENZOR A

JACINTO ST.

JOJO LITANG

MANILA POLICE DISTRICT

OCTAVIANO

QUEZON ST.

ROBERTO CUSTODIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with