^

Metro

Truck vs truck: 1 patay, 20 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isa ang patay habang 20 pa ang sugatan makaraang magsalpukan ang isang trailer truck na may kargang backhoe at isang delivery truck ng isda sa south-bound lane ng EDSA Muñoz, lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Jomar Nablasca, 21. Ayon sa pulisya, karamihan sa mga sugatan ay ang sakay ng delivery truck ng isda kabilang ang driver nitong si Dolphy Olbina na kritikal umano ang kalagayan sa ospital matapos na magtamo ng matinding pinsala sa kanyang binti at katawan.

Hawak na rin ng pulisya ang driver ng  truck na si Oliver Gomez na sumuko sa himpilan ng Traffic Sector 3 sa Camp Karingal.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Edsa, partikular sa intersection ng Muñoz, Brgy. Apolonio Samson, ganap na alas-3:45 ng madaling-araw.

Diumano, ang delivery truck na may lulan ng banye-banyerang isda ay binabagtas ang south-bound lane ng nasabing lugar at pagsapit sa intersection ay tiyempong papaliko naman ang trailer truck na palabas naman ng kanyang garahe at direktang salpukin ng una.

Karamihan sa mga biktima ay nasa bu­bungan ng delivery truck at natutulog kung kaya sa lakas ng impact ay kasama ang mga itong tumilapon makaraang humiwalay ang likurang bahagi ng truck.

Habang ang tatlo sa mga nasa loob ng delivery truck ay naipit kasama ang driver na tumagal ng halos isang oras bago tuluyang natanggal ng mga rumespondeng rescue team.

 

vuukle comment

APOLONIO SAMSON

AYON

CAMP KARINGAL

DOLPHY OLBINA

JOMAR NABLASCA

OLIVER GOMEZ

TRAFFIC SECTOR

TRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with