^

Metro

Shootout: 19-anyos, tigok

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyang binawian ng buhay  ang isang 19-anyos na hinihinalang holdaper nang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad matapos itong masita kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.

Nasawi habang gina­gamot sa Mary Chiles Hospital ang biktimang si Saidami Maka­bato ng C. Palanca St., Quiapo.

Pinagpapaliwanag naman sina SPO3 Deogracias de Ocampo Ebora; SPO1 Ricardo  Rivera Jr.; PO3 Rene De Guzman at PO2 Eligio Valencia Jr., pawang nakatalaga sa MPD-Station 8 (Sta. Mesa), kaugnay sa pakikipagputukan sa biktima.

Sa report, dakong alas- 2:15 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Marayag St., Quiapo, Maynila.

Nauna rito, nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga pulis­ sa nasabing lugar ka­ugnay sa mga ulat ng holdapan nang maispatan nila  si Makabato na nakatigil at sakay ng motorsiklo na wala  pang plaka (for registration).

Tinangka ng grupo ni Ebora­ na sitahin si Makabato su­balit agad silang pinapu­tukan kaya gumanti ng putok ang mga pulis kung saan tinamaan si Makabato.

Narekober sa nasawi ang isang kalibre .45 pistola at mga bala.

vuukle comment

ELIGIO VALENCIA JR.

MAKABATO

MARAYAG ST.

MARY CHILES HOSPITAL

MAYNILA

OCAMPO EBORA

PALANCA ST.

RENE DE GUZMAN

RIVERA JR.

SAIDAMI MAKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with