^

Metro

Bangkay ng bebot natagpuan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadiskubre ang bangkay ng isang babae makaraang hindi makatiis ang mga tenant sa isang apartment complex dahil sa masangsang na amoy, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Dahil sa hindi naman tenant at nakikipanuluyan lamang, inisyal na nakilala lamang ang nasawi sa alyas na “Annie”.  Nabatid na pinagpipiyestahan na ng mga langaw at langgam ang bangkay nito nang matagpuan dakong alas-8:30 kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Pasay Police, lumapit ang ilang tenant sa may-ari ng Apartment Building sa 123 Humilidad St., na si Sally Mercadal at inireklamo ang masangsang na amoy na nagmumula sa loob ng Room 3 ng gusali.

Dahil sa walang sumasagot sa kanilang katok at pagtawag, puwersahang binuksan ang pinto ng kuwarto kung saan tumambad ang naaagnas nang bangkay ng babae na nagsisilbing pansamantalang caretaker.

Sa imbestigasyon, nabatid na nagtungo sa Tanglaw, Bohol ang tunay na umuupa sa kuwarto na si Mary Jane Gozun noon pang Marso 6 at kinuha ang biktima na siyang pansaman­talang magbantay ng kuwarto at mag-alaga sa naiwang aso.

Nakausap naman sa cellphone ng pulisya si Gozun at kinumpirma nito na pinakiusapan lang niya si Annie, na nakilala lamang niya sa Humildad St., na siyang magbantay sa kanyang inuupahang silid. Wala naman umano siyang alam na sakit nito.

Isasailalim pa ng pulisya sa awtopsiya ang bangkay ng babae upang alamin kung ano ang tunay na sanhi ng kanyang pagkamatay habang pinababalik na si Gozun upang isailalim sa dagdag na pagtatanong.

vuukle comment

APARTMENT BUILDING

DAHIL

GOZUN

HUMILDAD ST.

HUMILIDAD ST.

MARY JANE GOZUN

PASAY CITY

PASAY POLICE

SALLY MERCADAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with